May mga bagay na mahirap ipaliwanag..
hindi dahil magulo ang mga pangyayari..
kundi dahil baka wala namang makaintindi.
Hindi ko na maalala ang eksaktong petsa na huli akong ginanahang magsulat.
3 lang naman ang dahilan kung bakit ako sumusulat..
tawag ng malikhaing kaisipan, labis na kasiyahan.. at lubos na kalungkutan.
Ngunit sa pagkakataong ito,
Lubos ang kalungkutang nadarama ko.
Kalungkutang nagmumula sa malalim na bahagi ng aking puso.
Napakadaming tanong na hindi masagot,
hindi nga ba masagot o pilit kong hindi pinaniniwalaan?
Mga pangyayaring tila ipinagpilitan lamang.
Bagay na unti-unting sumisira sa aking katinuan.
Hiling ko lang sana ay lisanin na ako ng ganitong pakiramdam.
Kaliwanagan sa katotohanan, sana ay akin ng makamtan..
Habang kaya pa ng aking isip pigilan ang mga pananalanta..
ng mga pangyayaring sa aki'y nagpapahina.
-Krista
I love you Krista! :* Don't be sad...
ReplyDelete